By: Jaimie Rose R. Aberia
Isang lalaki na dinakip dahil sa illegal gambling ang namatay matapos makaranas ng hirap sa paghinga habang nakakulong sa selda ng Manila Police District (MPD) Station 4 sa Sampaloc, Manila, noong Miyerkules.
Isinugod si Christopher Rubiales, 34, sa Ospital ng Sampaloc kung saan siya binawian ng buhay habang ginagamot. Ayon kay Det.
Jonathan Bautista ng MPD Crimes Against Persons Investigation Section, ikinulong si Rubiales noong August 9 matapos madakip sa Domingo Santiago Street dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1602 o anti-gambling law.
Sinabi ng tiyahin ni Rubiales na dati nang tinamaan ng tuberculosis ang kaniyang pamangkin at maaring lumala ang kaniyang sakit nang makulong sa police station.
Si Rubiales ang ika-apat na inmate na namatay sa MPD precinct jail sa loob lamang ng isang linggo. Iniimbestigahan pa ng police ang insidente.