By: Aaron Recuenco
Itinalaga kahapon ang may 100 pulis sa Commonwealth Avenue sa Quezon City para ayusin ang traffic flow dahil inaasahan na ang pagkakaroon ng matinding traffic jams kapag nagsimula na ang construction ng MRT 7.
Sinabi ni Chief Supt. Abner Escobal, director ng Highway Patrol Group (HPG), na inaasahan na ang pagsasara ng ilang intersections sa darating na Sabado ngunit nag-decide sila na maagang mag-deploy ng mga pulis para obserbahan kung paano makaaapekto ang MRT 7 construction sa traffic flow sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
“We decided to deploy our men early for us to come up with the best pan before and after some of the intersections and roads are closed as per advise of the contractor,” pahayag ni Escobal.
Inaasahan na ookupahin ng MRT 7 construction ang dalawang lanes ng Commonwealth Avenue nakaaapekto sa traffic flow sa lugar.