BALER, Aurora (PIA) – Makararanas ng hanggang labing isang na oras na kawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Nueva Ecija at Aurora sa ika-30 ng Agosto, Miyerkules.
Ayon kay National Grid Corporation of the Philippines Central Luzon Corporate Communication and Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal, ang mga customer ng NEECO II Area 1, NEECO II Area 2 at AURELCO ay makakaranas ng kawalan ng kuryente mula 7 am 6 pm.
Apektado nito ang mga bayan ng Talavera, General Natividad at Bongabon sa Nueva Ecija at Dingalan, San Luis, Maria Aurora, Baler, at Dipaculao sa Aurora.
Ang dahilan ng brownout ay upang iayos ang mga nasirang linya na dala ng pagkidlat noong nakaraang ika-10 ng Agosto at pagpapalit ng mga bulok na poste at cross arms at iba pang maintenance works sa loob ng Cabanatuan Substation at sa kahabaan ng linya.
“Normal operations will immediately resume after work completion,” ani Vidal.