FOUR months mananatili sa Pilipinas ang Korean actors na kasama ni Heart Evangelista sa “My Korean Jagiya.” Naka-billet ang mga ito sa dalawang magkaibang hotels sa QC, courtesy ng GMA Network. Magte-taping pa kasi sila ng mga eksena at may promotional tours pa.
Ipinakilala sa presscon ng MKJ ang Korean actors na pinangunahan ni Alexander Lee, leading man ni Heart. Overwhelmed ito and his co-Korean actors sa kaganapan ng presscon.
Pinalakpakan, may mga tumili pa nang isa-isa silang rumampa. Naging emotional at teary-eyed si Heart na nagpasalamat sa GMA sa magandang project na ibinigay sa kanya. “I’m overwhelmed,” aniya.
May sorpresa pa ang GMA na ipinakita ang isang video kaugnay sa 19th showbiz anniversary ni Heart, kaya lalo siyang na-touch sa importansiyang ibinibigay sa kanya ng Kapuso Network.
Di affected
Time out muna si Ricky Davao sa pagdidirek at acting muna ang haharapin niya. Gay role siya sa “My Korean Jagiya” na aniya, nilalaro-laro lang niya ang kanyang karakter.
Maraming beses nang nag-gay role si Ricky, kaya pinagdududahan na ang kanyang gender. Aniya, hindi siya affected kapag may mga nagtatanong kung gay ba siya.
Puring-puri ni Ricky ang Korean actors na katrabaho niya. Very hardworking ang mga ito. Walang reklamo sa long working hours. Sanay sa puyatan at ngaragang taping. Nanibago lang sila na may air-conditioned tent dahil walang gano’n sa taping ng Korean series.
Minsan nga raw, kahit antok na antok na si Alexander Lee ay ayaw nitong matulog. Naghihintay ng susunod niyang eksenang kukunan. Ayon pa kay Ricky, malaki ang respeto ng Korean actors sa mga nakatatandang katrabaho nila sa MKJ.
Tampok din sina Janice de Belen, Edgar Allan Guzman, Valeen Montenegro, Iya Villania, Jinri Park at Korean stars na sina David Kim, Michelle Oh at Jerry Lee. Directed by Mark Reyes, MKJ premieres on August 21 sa GMA Telebabad.
Workshop
Nagkaroon ng 3-day intense acting workshop ang 46 talents ng GMA Artist Center na pinamahalaan ni Anthony Vincent Bova, isang professional acting teacher from New York. Katulong niya sina direk Maryo J. delos Reyes at Laurice Guillen and actress Ana Feleo.
The Eric Morris System ang acting method na itinuro ni Anthony na mismong si Eric Morris (his mentor) ang nag-endorse kay Anthony para magturo sa GMA Artist Center talents, among them ay sina Gil Cuerva, Joyce Ching, Mikee Quintos.
Over three decades nag-aral si Anthony under Eric Morris and over 20 years na siyang nagtuturo ng The Eric Morris System. Artistic Director ng Bova Actors Workshop (Ironica Theater in New York) si Anthony.