By: Martin A. Sadongdong
Isinara na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon ang MMDA Workers’ Inn o “Gwapotel,” na nasa Bonifacio Drive, Port Area, Manila, dahil hindi na ligtas ang building at hiniram lamang ito sa National Power Corporation (Napocor).
Nagsagawa ng lightning rally ang tenants ng building na karamihan ay vendors at residente ng lugar nang paalisin sila sa building kahapon ng umaga.
Tinatayang may 300 tenants ang apektado ng MMDA order na nagpapaalis sa kanila kahit na binigyan sila ng hanggang katapusan ng buwan para lisanin ang building.
Sinabi naman ni MMDA chairman Danilo Lim na ang tenants’ contract ay nag-expire na noong August 16 at ang building ay hindi na ligtas para tirahan ng tao.
“Unang-una may mga safety issues tayo dyan. In-inspect na ‘yan ng Bureau of Fire (Protection), hindi raw safe yung building. May mga problema tayo dahil luma na rin ‘yung structure na ‘yan so if ever na i-operate ulit ‘yan, kailangan ma-inspect nang mabuti at ma-address itong mga issues sa safety but meantime kailangan ipasara yan,” Lim said.
“’Yung Gwapotel Inn, ‘yung building na ‘yan ay hindi naman pag-aari ng MMDA. ‘Yan lang ay hiniram ng MMDA sa NAPOCOR ano so binabawi na ng NAPOCOR ‘yung building na ‘yan; at sabi ko nga hindi naman sa MMDA ‘yan. Kung babawiin na nila yan e ibabalik natin,” he added.