By: Johnny Decena
WALA pa ang weekend Racing Programs dito sa aming lugar (Cainta) kaya nagpunta ako sa paborito kong OTb station sa St. Joseph kung saan laging maagang lumalabas ito subalit nabigo pa rin ako kaya wala tayong TIPS ngayong Sabado.
Kaya dumako na lang muna tayo sa mga nakaraan at darating pang kaganapan dito sa masiglang daigdig nating mga karerista.,
Bukas ay gaganapin na ang P1.5 Million Peso National Grand Derby sa paglipat ng mga karera sa PRCI Inc. Naic, Cavite.
Ang mga entries dito kasama ang respective Jockeys, ay ang Pinagtipunan (J.B. Hernandez); Lollipop (R.A. Base); Pinay Pharaoh (F.M. Raquel, Jr.); Salt And Pepper (M.M. Gonzales), Son Also Rises (Val R. Dilema), at Great Wall (A.P. Asuncion).
Itatakbo sa layung 1,600 Meters or 1 Mile, ang nakataya dito for the 1st thru the 4th placers, respectively ay P800,000, P350,000 at P150,000.
Ang beneficiary dito ay Diabetes Center for Underpriviledge Filipino Children and Adolescents, Inc. (DCUFCA, Inc).
At Metro Turf sa isang Linggo, itatakbo naman ang 7th Leg Imported/Local Challenge Race.
Itatakbo naman sa mas mahabang distansiyang 1,800 Meters ang magpapanagupa dito ay ang Blue Berry. Daiquiri Lass, Hot And Spicy, Kanlaon at Messi, sponsored by the Philracom.
Samantala, nagkadehadohan nang husto sa pakarera ng San Lazaro kahapon, Thursday…Ang WTA ay nagbigay ng P62,600.60 at ang Pick-6 naman ay P47,660.80.
So there…see you guys at Samson’s Billiard OTB and/or at Obet dela Paz Momay’s Carinderia OTB at Marick.
Good Luck!!