DREAM come true kay Edgar Allan Guzman ang makatrabaho si Heart Evangelista. Siya ang gaganap bilang Ryan sa “My Korean Jagiya,” ang playboy boyfriend nito. First time nila magkatrabaho.
Sa presscon, inamin ni Edgar na crush niya noon si Heart. “Sobrang crush ko siya. Baliw na baliw ako noon sa kanya (laughs),” ani Edgar. He was about 10 years old then.
Dream come true rin kay Edgar na kasama siya sa isang primetime series. Hangang-hanga siya kay Heart na aniya, sobrang bait ng Kapuso actress. Hindi raw niya ini-expect na ganoon ito kabait.
Bukod kay Heart, gusto ring makatrabaho ni Edgar sina Kris Bernal, Barbie Forteza, Andrea Torres at Jennylyn Mercado.
Edgar swears wala siyang girlfriend ngayon. Kabi-break lang daw nila recently na ayaw paniwalaan ng mga nakausap niyang entertainment writers.
Anyway, mapapanood ang “My Korean Jagiya” simula August 21 sa GMA Telebabad.
Management company
Hindi lang pagpo-produce ng pelikula ang ginagawa ng IdeaFirst Company ng mag-partner na sina direk Jun Lana at Perci Intalan, nagsisilbi rin silang management company para sa artists nila kapag may projects ang mga ito sa ibang production outfits at TV networks.
Ang mga baguhang sina Christian Bables, Cedric Juan at Adrianna So (dating Malak So) ang talents ng IdeaFirst Company. Nakilala si Christian sa “Die Beautiful” na pinagwagian niya bilang best supporting actor sa 2016 Metro Manila Film Festival at Gawad Urian.
Theater actor naman si Cedric Juan na lumabas din sa “Die Beautiful” at “Oro.” Magbibida siya sa “The Ashes and Ghosts of Tayug 1931” na isa sa competing films sa 2017 QCinema International Film Festival.
Si Adrianna ay lumabas noon sa ilang series ng TV5 bilang kontrabida.
Nagma-manage rin ng directors ang IdeaFirst Company at kabilang dito ang mga fresh at young film makers/scriptwriters na sina Prime Cruz (best director sa QCinema International Film Festival sa pelikulang “Ang Manananggal sa Unit 23B), Miko Livelo (ng acclaimed comedies “Tanods,” “Blue Bustamante” at “I Love You to Death”), Ivan Andrew Payawal (“I America” na nag-compete sa 2016 Tokyo International Film Festival), Dominic Lim (“The Write Moment” na magku-compete sa 2017 QCinema International Film Festival) at Sigrid Andrea Bernardo (“Ang Huling Cha-Cha ni Anita” at “Kita Kita”).
Ayon kay direk Jun Lana, kailangan din ng mga direktor ang manager para maprotektahan ang mga ito sa mga producer na kumukuha ng kanilang serbisyo.