By: Johnny Decena
Di pakakawalan ng masugid na bayang karerista ang pambihirang lineup of entries and events sa 13-race program na inihanda ng Santa Ana bukas.
Unahin na natin siyempre ang R1.5 million PCSO National Grand Derby Race na itatakbo for the benefit of diabetes center for underprivileged Filipino children and adolescents, inc. (DOCUFCA, Inc.).
Itatakbo sa pinakapopular na distansiyang 1,600 meters or 1 Mile, ang mga entries dito ay ang sumusunod: Pinagtipunan ni B.A. Abalos III, Pinay Pharaoh/Salt And Pepper, couple entry H.S. Esguerra, Son Also Rises ni B.C. Abalos, Jr., Great Wall ng Cool Summer Farm at Lollipop ni L.M. Javier, Jr.
Supporting the main event are five PHILRACOM-PRCI Rating Base Handicap System Races.
May tatlong sets each tayo ngayon ng winner-take-all, ganitong bilang din ng pick-6 at pick-5 at ang tanging Pick-4 covering the usual last 4 Races… Races 1 starts at 2 p.m.
Sa mga di nakapagkarera kahapon (Friday) sa San Lazaro, ang Moring Time (Race 6) pinakadehadong nanalo kaya naman ang WTA covering Races 1 to 7 ay nagbigay pa ng malaking premyong P192,100.60.
Ang pick-6, pick-5 at pick-4 ay nagbunga rin nang magagandang dibidendong P25,703.40, P75,583.80 at P2,397.80, respectively.
Nagsipanalo rito from Races 1 to 8, ayon sa pagkakasunod-sunod ay ang Hot To Trot, Guanta Na Mera, Taal Volcano, Navy Cut, Blue Angel,Morning Time, You Are The One at Professor Jones or combinations 5-4-7-2-6-5-7-6.
So there…See you guys at Samson’s Billiard OTB at St. Joseph and/or at Obet dela Paz Momay’s Carinderia OTB at Marick, Cainta… Good Luck!!!