Finally, after the long wait, matutuloy na ang concert na pagsasamahan nina Sheryl Cruz, Tina Paner at Manilyn Reynes. Binansagan silang Triplets noong kabataan at kasikatan nila noong dekada ’90.
Billed “Triplet,” gaganapin ito on September 9 sa Music Museum na si Frank Mamaril ang stage director at si Gerry Matias naman ang musical director. Guests ang “Meant to Be” boys na sina Ivan Dorschner, Jak Roberto, Add Raj at Ken Chan plus other surprise stars. Nagkasama rin sa MTB sina Sheryl, Tina at Manilyn.
Produced by Striking Star Productions na sina Sheryl at Tina ang producers.
May paliwanag si Sheryl kung bakit “Triplet” without “s” ang title ng kanilang concert. Aniya, bilang respeto sa Ivory Records na sa ginawa nilang cover album ay “Triplet” ang nakalagay.
Kung bakit it took so long at ngayon lang matutuloy ang pagsasama nilang tatlo sa isang concert, anila, conflict of schedule.
Special tribute
Bukod sa “Meant to Be” boys, iimbitahin din ang mga former ka-love team nina Sheryl, Tina at Manilyn. Si Romnick Sarmenta for Sheryl, Ramon Christopher Gutierrez at Cris Villanueva for Tina, Janno Gibbs, Ogie Alcasid at Keempee de Leon for Manilyn. Wish ng Triplets na pagbigyan sila ng mga ito.
May special tribute rin sila sa yumaong German Moreno na naging tatay-tatayan nila sa “That’s Entertainment.”
Bukod sa mga pinasikat nilang awitin noon, kasama sa repertoire ang millennial songs, medleys ng ilang old and modern songs. “Sabi Ko Na Nga Ba,” “Mr. Dream Boy,” “Ikaw ang True Love Ko” ang ilan sa mga kantang pinasikat ni Sheryl.
Among the hit songs naman ni Tina ay “Tamis ng Unang Halik,” “Sana,” “Umiibig Ka Pala Sa Akin,” samantalang “Sayang na Sayang,” “Mr. Disco,” “Feel na Feel” ang kay Manilyn.
Next project
Sabi ni Heart Evangelista, tatapusin lang niya ang “My Korean Jagiya” at kakaririn naman niya ang magka-baby na sila ng husband niyang si Senator Chiz Escudero. Ito ang next project niya.
Gusto niyang mabuntis by December this year or January next year. Sobrang blessed na siya at baby na lang ang kulang sa relasyon nilang mag-asawa. May kambal na anak si Sen. Chiz sa ex-wife niya.
By the way, mapapanood na simula ngayong Lunes ang “My Korean Jagiya” sa GMA Telebabad.