By: Chinkee Tan
Gusto mo bang magkaroon ng total financial freedom at total financial peace?
Dapat wala tayong UTANG o makalabas tayo sa PAGKAKAUTANG.
“GALIT AKO SA UTANG!” This should be the battle cry of every person who wants to be FINANCIALLY FREE!
Impossible na ikaw ay magiging FINANCIALLY FREE kung mayroon kang utang.
GRABE ang stress na nararamdaman ng isang taong may utang. Ang hirap matulog, magising, kumain na may utang.
Ever since we were young, we’ve been taught to HATE DEBT. Ang pangaral sa amin ay kung hindi kaya, wag pilitin.
Kung walang pera, matutong maghintay. Kailangan pag-sikapan at pag-ipunan bago gumastos.
Galit na galit ang magulang ko kapag nalaman kung ako ang nang hiram ng gamit. Kasi ang panghihiram ng gamit seems innocent but left unchecked, can turn into a habit.
Once this particular habit ripens, it can eventually turn into character. Kapag naging pag-uugali na, ang hirap ng baguhin.
Kaya’t habang maaga pa, at wala ka pang utang. Kung ikaw ay may utang, gawan mo ng paraan para ikaw ay makalabas.
Hindi normal ang mag kautang. Dahil hindi normal ang mapuyat dahil sa kakaisip kung saan nanggagaling ang pambayad.
Hindi normal ang mabuhay sa stress dahil sa kakakulit ng mga naniningil. Matutong kang magalit!
The only way na tayo ay magiging FINANCIALLY FREE ay kung meron na tayong FINANCIAL PEACE.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw, galit ka ba sa utang? Bakit sa palagay mo may mga taong mahilig manghiram?