By Glen P. Sibonga
Ipinagmamalaki nina Direk Jun Robles Lana at Direk Perci Intalan ng The IdeaFirst Company ang roster of creative and performing artists na inaalagaan nila ngayon.
Bukod kasi sa movie and television production, Pinasok na rin ng IdeaFirst ang pagma-manage ng mga director pati na rin ng mga artista.
“Super proud. Hindi ko na-imagine na it’s going to be this fast na makakabuo kami ng ganitong talent pool. It just happened, it was very natural sa progression ng company. Siyempre pag may nire-represent kang talent, ang pinakaimportante doon ’yung mapapanindigan mo, kung makaka-deliver sila. Ako, I’m really very sure doon sa capacity ng lahat ng talents nahina-handle namin,” sabi ni Direk Jun.
Dagdag pa ni Direk Perci, “Collectively sa grupong iyan napakaraming talent na makikita, napaka-diverse. Iba-iba sila ng kayang gawin, both the creative and performing artists. So, nakaka-proud na nung tinayo naming yung IdeaFirst hindi naming akalain aabot kami sa ganito.”
Kabilang sa creative artists ng IdeaFirst ang mga director na sina Prime Cruz (Best Director sa QCinema International Film Festival para sa “Ang Manananggal sa Unit 23B”); Miko Livelo (writer-director ng acclaimed comedies “Tanods”, “Blue Bustamante” and “I Love You To Death”); Ivan Andrew Payawal (writer-director ng “I America”, na nag-compete sa 2016 Tokyo International Film Festival); Dominic Lim (writer-director na ang debut feature na “The Write Moment” ay napiling mag-compete sa 2017 QCinema International Film Festival); at Sigrid Andrea P. Bernardo (writer-director ng award-winning na pelikulang “Ang Huling Cha-Cha ni Anita” at ng highest-grossing Filipino independent film na “Kita Kita”).
Tatlong artista naman ang bumubuo sa performing artists ng IdeaFirst. Pinangungunahan ito ng breakout star na si Christian Bables, ang 2016 Metro Manila Film Festival at Gawad Urian Best Supporting Actor para sa “Die Beautiful”.
Sunud-sunod ang ginagawang mga pelikula at TV guestings ni Christian ngayon.
Nandiyan din si Cedrick Juan, na kabilang sa cast ng dalawang entries sa MMFF 2016 – ang “Die Beautiful” at ang “Oro”. Bida siya sa “The Ashes and Ghosts of Tayug 1931”, isa sa competing films sa 2017 QCinema Film Festival.
Aabangan din si Adrianna So (dating Malak So). Produkto siya ng Artista Academy ng TV5. Pagkatapos ng mga kontrabida roles na ginawa niya sa TV5 noon, bida na siya sa upcoming Cignal Entertainment series na “The Orbiters”, kasama si Cedrick.