WALA naman palang problema sa talent fee (TF) ni Manilyn Reynes kapag may gustong kunin ang serbisyo niya bilang singer. May isyu na kaya naudlot noon ang concert na pagsasamahan nila nina Sheryl Cruz at Tina Paner ay dahil diumano’y sobrang laki ng asking price ni Manilyn.
Ang husband niyang si Aljon Jimenez ang tumatayong manager ni Manilyn. “Sila (Sheryl at Tina) na lang ang tanungin n’yo,” sabi ni Manilyn kaugnay ng TF issue sa kanya.
Sina Sheryl at Tina ang producers ng Striking Star Productions na maghahatid ng “Triplet,” first concert ever together nina Sheryl, Tina at Manilyn. Binansagan silang Triplets noong kabataan at kasikatan nila noong dekada ’90.
Si Tina ang kumausap kay Manilyn na ang sabi nito sa kanya, “Kayo na ang mag-presyo.” Wala silang naging problema sa TF ni Manilyn, kaya tuluy na tuloy ang “Triplet” concert nila on September 9 sa Music Museum.
Happily married
Happily married si Manilyn Reynes at tatlo ang anak nila ni Aljon Jimenez, aged 21, 15 at 6 years old, all boys. Sina Sheryl Cruz at Tina Paner ay parehong hiwalay sa asawa at may tig-isang anak na babae.
Sixteen years old ang anak ni Sheryl, 14 naman ang kay Tina. Si Tina ang oldest sa Triplets, she’s 46 years old, 45 si Manilyn at 43 si Sheryl. Youthful looking pa rin sila. Nadagdagan nga lang ang kanilang mga timbang.
Bukod sa magkakaibigan, magkukumare rin sila. Kung business partners sina Sheryl at Tina, plano naman nina Manilyn at Aljon na magtayo ng restaurant business.
Winning formula
Nagiging mainstream blockbusters na ngayon ang independent films, at nagiging talk-of-the town na ang maraming digital shows. Malinaw na naghahanap ang audience ng fresh at innovative content.
“Artists are now the new stars of Philippine showbiz,” ani direk Perci Intalan ng IdeaFirst Company. “Handang bumili ng ticket ang mga tao kapag ang isang pelikula ay may magandang kuwento na gawa ng magagaling na storytellers at may magagaling na artista at cast. Nang binuo namin ang IdeaFirst Company, ang vision namin ay to put artistry at the core of our business. Ang winning formula ay good story + good cast.”
Ayon naman sa partner niyang si direk Jun Lana, nagsimula sila sa libreng workshop na pinamahalaan niya. Nag-imbita siya ng ilan na sumali sa kanilang production team. ‘Yung iba’y naging direktor at nagpoproduce na rin ng sarili nilang pelikula. Naiimbita na sila sa local at international festivals.