By Ruel J. Mendoza
AFTER almost eight years, nagbalik ang aktor na si Edgar Allan Guzman para maging part ng cast ng GMA primetime teleserye na “My Korean Jagiya” kunsaan kasama niya si Heart Evangelista-Escudero at ang South Korean actor-singer na si Alexander Lee.
Nanalo bilang Mr. Pogi 2006 si EA at matagal din siyang lumabas sa “Eat Bulaga.”
Huling ginawang show ni EA sa GMA-7 ay ang afternoon series na “Daisy Siete.”
“Kaya noong magkaroon ng offer sa akin to do a teleserye here, um-oo ako agad kasi ito naman ang original home ko,” ngiti pa niya.
Anim na taon ding naging talent ng TV5 si EA hanggang sa lumipat siya ng ABS-CBN 2 for three years.
“Sa Dos naman po, wala akong exclusive contract with them. Per project lang ako doon.
“Itong offer na gumawa ng teleserye for GMA-7, matagal na ito, pero I was still doing ‘Doble Kara’ then.
“’Yung unang offer nila sa akin was ‘Impostora’ with Kris Bernal. Hindi ko puwedeng gawin iyon kasi ongoing pa ‘yung ‘Doble Kara.’ Noong matapos ‘yung ‘Doble Kara,’ doon na sila nag-offer ulit at tinaggap na namin.
“First time ko kasing gumawa ng isang primetime teleserye and of course, the chance na makatrabaho si Heart Evangelista,” sabay ngiti niya.
Matagal na raw kasing crush ni EA si Heart.
“Parang 10 or 11 years pa lang ako noon, crush na crush ko na si Heart.
“Kaming magbabarkada, type namin ang mga chinita. Eh si Heart, grabe ang ganda-ganda niya noon pa.
“Kaya noong malaman ko na si Heart ang makakasama ko sa ‘My Korean Jagiya,’ parang natupad ang isa sa mga matagal ko nang pangarap.
“And I hope, since nandito na ako ulit sa GMA-7, makatrabaho ko rin ang ibang mga leading ladies dito like Kris Bernal, Barbie Forteza, Andrea Torres, and Jennylyn Mercado,” pagtapos pa ni Edgar Allan Guzman.