By RUEL J. MENDOZA
Bilang aktor, lahat ng ipagkatiwalang role sa award-winning actor na si Ricky Davao ay pinag-aaralan at pinagbubutihan niya. Kaya naman kahit na gay role pa ito, the actor sees to it na perfect ang pagkakaganap niya.
Sa latest primetime teleserye ng GMA-7, gumaganap si Ricky bilang si Tita Josie, ang bading na tiyuhin ni Heart Evangelista sa “My Korean Jagiya.”
“There’s a variety of characters na puwede mong pag-eksperimentuhan. Hindi na typecast ang gay sa iisa lang.
“As an actor, you experiment, you do research, you create a character.
“Ang gay role, it’s been done by so many actors sa atin pati na sa Hollywood. Take for instance sina Tom Hanks and Sean Penn, they won an Oscar for playing a gay character on film.
“At ‘yung pagkakaganap nila, magkakaibang klase.
“So it’s still a challenge for me kahit na I’ve played gay in five movies (“Ang Lalake Sa Buhay Ni Selya,” “American Adobo,” “Bikini Open,” “Stray Cats: Mga Pusang Gala,” “Separados”).
“Sa TV, maraming beses na akong gumanap na ba-ding. Kaya itong sa ‘My Korean Jagiya,’ pinaghalo ko ang iba’t ibang characters ng mga beki na kilala ko to create Tita Josie,” ngiti pa ni Ricky.
Sa isang magiging episode ng teleserye, magi-ging rival ni Ricky si Janice de Belen para sa isang lalake.
“Janice here plays my sister na isang widow naman.
“Nagkataon na type naming ang iisang lalake. Kaya magkakaroon kami ng nakakatawang conflict dahil pag-aagawan namin ni Janice si Raymart Santiago who will do a guest appearance.
“Masaya lang kaming lahat sa set kasi ‘yung characters naming lahat dito, extremes. Kaya may mga scenes na maiingay kami, nag-aaway, nagsisisihan.
“The typical Pinoy family na magkakasama sa isang compound na nakikialam sa buhay ng mga kapitbahay nila na kamag-anak din nila.”
Hindi nga raw muna babalik sa pagdirek ng teleserye si Ricky dahil gusto nitong magbakasyon after “My Korean Jagiya.”
“After directing ‘Legally Blind,’ sumunod agad itong ‘My Korean Jagiya.’ Kaya ‘yung huling bakasyon ko with the kids ay noong Holy Week pa.
“Sana after this teleserye, magbakasyon muna ako.
“We’re not getting any younger. Magbabawas na rin ako ng masya-dong sunud-sunod na work. Importante sa lahat ay ‘yung health natin.”