By: Ruel J. Mendoza
INAMIN ng tinaguriang Beauty Queen Maker na si Jonas Gaffud na hindi madaling trabaho ang ginagawa niya. Hindi raw all glamour ang matawag na Beauty Queen Maker dahil marami raw siyang pinagdaanan na hirap at panlalait mula sa iba’t-ibang mga tao.
Sa launch ng kanyang book na “The Crown: Your Essential Guide to Becoming A Beauty Queen,” kinuwento ni Jonas na marami raw ang hindi bumilib sa kanya noong simula at kailangan patunayan niya ito sa mga nagdaang taon.
“Tinawag nga nila akong malas. Malas daw ako sa Philippine pageantry.
“From 2001 hanggang 2009, nagkaroon ng limang girls na nanalo as Bb. Pilipinas-Universe, pero walang nakakapasok sa Miss Universe.
“Wala silang bilib sa akin talaga until dumating ang 2010 when Venus Raj finally placed 4th runner-up sa Miss Universe. Tapos nagsunud-sunod na iyon after Venus. Shamcey Supsup became 3rd runner-up in 2011, Janine Tugonon was 1st runner-up in 2012, and Ariella Arida placed 3rd naman in 2013.
“Pero even then, malas pa rin daw ako kasi hanggang runners-up na lang daw ang mga alaga ko.
“Parang, ‘Ano pa ba ang gusto ninyong patunayan ko?’ Masakit kasi you’re doing your best pero parang hindi pa rin sila satisfied,” sey ni Jonas.
Hanggang sa manalo na ang Pilipinas ng ikatlong Miss Universe kay Pia Alonzo Wurtzbach noong 2015 na finally, deserve na ni Jonas ang title na Beauty Queen Maker.
Bukod kay Pia, credited din kay Jonas ang pagkapanalo nila Megan Young (Miss World 2013) at Kylie Verzosa (Miss International 2016) dahil dumaan sila sa specialized training under Aces & Queens na pinamumunuan ni Jonas at ng ilang mga kaibigan niya.
“Like what I said, hindi madali. Maraming obstacles, maraming trials. Pero in the end, nandoon ‘yung victory – nandoon ‘yung masasabi mo na you did your best at nakatulong ka sa isang tao na mabago ang buhay niya,” pagtapos pa ni Jonas Gaffud.