NAPANGITI lang si Miguel Tanfelix nang tanungin namin kung ano bang ginawa niya o ipinakain kay Bianca Umali at bakit tipong “hibang na hibang” ito sa kanya? Hindi kaya ginayuma niya si Bianca?
Ani Miguel, sobrang special sa kanya si Bianca at nakikita at/o nararamdaman ‘yun ni Bianca. Five years or so na silang magka-love team and for now, gaya ni Bianca, hindi niya ma-imagine na paghihiwalayin ang Biguel love team.
Wala raw silang magagawa if ever in the future ay ipareha sila sa iba. Irerespeto nila ang desisyon ng GMA management.
Samantala, bumalik na ang ala-ala ni Pagaspas (Miguel Tanfelix) sa “Mulawin vs. Ravena.” Ibinalik ni Lawiswis (Bianca Umali) ang kanyang ugatpak. Ani Miguel, looking forward siya magampanang muli ang role ni Pagaspas sakaling magkaroon ng panibagong yugto ang MVR.
“Sana kapag 24 years old na ako (19 siya ngayon), ako uli ang gumanap bilang Pagaspas. Sobrang napamahal sa akin ang karakter. Five years old ako noong una kong gampanan ang role,” lahad ni Miguel.
Mayabang?
Aliw kaming kausap si Derrick Monasterio. Wala kasing kasyobisan kung sumagot siya sa mga tanong. May mga nayayabangan sa kanya, pero naaaliw naman kami. Hindi lang kasi lubos nakilala ng ibang tao si Derrick, kaya iba ang dating ng mga pananalita niya. “Judgemental kasi ang ibang tao,” ani Derrick.
Anyway, babalik na sa pagiging taong ibon ang karakter ni Derrick sa “Mulawin vs. Ravena.” Sa week 14, magiging si Almiro na siya, ang Hari ng mga Mulawin. Ginawa siyang estatwang bato ni Rafael (Kiko Estrada) sa laki ng galit nito sa kanya.
Ani Derrick, mami-miss niya ang role niya. Feel na feel niya raw kasi maging hari. “At least, naranasan kong maging hari (laughs),” he said.
Mami-miss din niya ang buong cast dahil aniya, para silang pamilya na nagba-bonding sa set ng MVR. Naging close silang lahat, lalo na sila ni Miguel na parang little brother ang turing niya, ayon kay Derrick.
Nagkabukingan nga pala noong nakausap naming sina Derrick at Miguel sa taping ng MVR. Parehas silang na-attract (o nanligaw) noon kay Barbie Forteza. Pero anila, hindi nila sineryoso dahil mga bata pa sila noon.