By: Analou De Vera
Nakatakdang ipamahagi ng Manila city government ang 80 electric tricycles (E-Trike) sa pangalawang batch ng beneficiaries sa Malate.
Sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na ang pamamahagi ng environment-friendly transport vehicle ay makakatulong sa “poorest of the poor” ng lungsod para magkaroon sila ng hanapbuhay at makatulong na rin sa pagsugpo ng air pollution.
“As I have promised before, more indigent Manilenos, particularly those poor tricycle and ‘kuliglig’ drivers, will benefit from this E-trike program,” pahayag ni Estrada.
“They cannot just be drivers forever, now have their own new tricycles. With no daily boundary to pay to the operator, they’ll earn more for their families,” dagdag pa niya.
Gaganapin ang distribution ng E-trikes sa second batch ng beneficiaries sa Malate sa susunod na lingo, ayon kay 4th District Councilor Eduardo “Bimbo” Quintos XVI.
Ang lahat ng beneficiaries ay pawang mahihirap na mamamayan, o yung mga kumikita lamang ng kulang sa P12,000 kada buwan at may higit sa tatlong dependents, at lehitimong residente ng Manila, ayon kay Quintos.
Sa ilalim ng “boundary-hulog” system, magbabayad lamang E-Trike driver-owners sa city government ng P150 hanggang R250 kada araw sa loob ng apat na taon na walang interest.