By RUEL J. MENDOZA
KABILANG ang Kapuso actor na si Mikoy Morales sa magaling na gumanap sa gay roles on television. Marami ang natutuwa sa kanyang gay character na si Roxie sa GMA-7 comedy series na Pepito Manaloto.
Kaya sa big screen naman niya ipapakita ang husay niya sa pag-arte bilang isang gay via the indie film na “4 Days” kunsaan co-star niya si Sebastian Castro. Mula ito sa direksyon ni Adolf Alix Jr.
Nagkaroon ng isang special screening ang “4 Days” sa UP Film Institute noong nakaraang August 24.
“We’re really proud of this project. Very personal ito sa amin kasi inupuan namin ito nila Direk Adolf all the way.
“Thank you for being here, this really means a lot.
“I wasn’t really expecting this much people here tonight but I just really wanted my family, friends, and loved ones to be here, pero ang daming dumating na iba pa, so thank you so much,” ngiti pa ni Mikoy.
Sa “4 Days,” ginagampanan ni Mikoy ang role na Mark, isang lalake na mahuhulog ang loob sa kanyang college roommate na si Derek played by Sebastian.
Sa naganap na forum, may miyembro ng audience na nagtanong kay Mikoy kung may nagbago ba sa kanyang pananaw sa LGBT community pagkatapos niyang gawin ang pelikula?
“Actually, wala, even before I did this film, I was really open to doing this kind of role.
“The reason why I enjoy doing gay roles is because it’s a social challenge.
“When people ask me if I’m really gay, it’s tempting to not answer the question kasi doing roles like this, it’s my way of telling society to stop labeling people and see them for what they do, who they are and not their sexual preference.
“That’s really a big part sa akin kung bakit ko nagustuhan ‘yung project na ito,” pagtapos pa ni Mikoy na napapanood din na nagpapatawa sa gag show na “Bubble Gang.”