By: Chinkee Tan
Ano ang impression mo sa credit card, mabuti or masama?
Para sa akin, it can be both, depende ‘yan sa taong gumagamit.
Mabuti siya IF you can USE IT WISELY.
Having a credit card has its benefits, like you can …
SPREAD THE COST
Marami ang nago-offer ng ZERO percent interest para sa ilang buwan.
Kung BIGLANG bumigay na ang pinakamamahal mong electric fan ngayong summer at may sale na zero percent interest for three months for credit card payment, then having a card will be very HELPFUL para makabili ka agad at hindi ka mag-suffer during summer.
Maliban dun ay meron ka pang makukuhang …
REWARDS
Kapag ang pagbabayad mo is by using a credit card, makakaipon ka ng reward points na pwede mo magamit IN EXCHANGE of something useful na available sa list ng bank.
Merong rewards na free meal sa isang restaurant, o kaya appliances at maging travel perks.
Aside from the different rewards, it also offers …
CONVENIENCE
Kapag may kailangan kang bilhin na medyo mahal, card na lang ang bibitbitin mo at hindi mo na AALALAHANIN ang pagdadala ng madaming cash.
Hindi ka na din MAGHAHAGILAP ng ATM para sa cash.
Pero kailangan pa din na i-take note ang ilang DISADVANTAGES para din aware ka sa mga posibleng mangyari kapag hindi mo na-manage ng mabuti ang paggamit ng credit card.
If you can pay your credit on time, wala tayong pag-uusapan. Pero dahil karamihan ay hindi DISIPLINADO sa paggamit, hindi fully na-eenjoy ang mga ADVANTAGES nito.
Ang isang disadvantage ay ang risk to …
OVERUSE IT
Hindi kasi agad NAMAMALAYAN yung gastos kaya may mga tao na napapasarap ang pagswa-swipe.
Kahit HINDI naman talaga kailangan ay bibilhin pa din ang isang bagay by using credit card, kaya LUMOLOBO ang bill.
May mga tao na hirap sila to have SELF-CONTROL pagdating sa paggastos and it’s recommended na mag cash na lang kung alam mo sa sarili mo na hirap ka sa aspetong ito.
Remember, huwag mong labanan ang TUKSO. Layuan mo na lang dahil madami na ang naging BIKTIMA niyan.
At yung mga nabiktima ng temptation pagdating sa paggastos, ang kinahihinatnan ay ang …
BAD DEBT
Okay lang ang gumamit ng credit card kung ikaw ay DISIPLINADO.
Pero kung ito ang magiging mitsa patungo sa isang STRESSFUL LIFE dahil sa pagkakalubog sa utang, then it is WISER kung hindi mo na ito gagawing parte ng iyong lifestyle.
At sa totoo lang, sobrang dami na ang nagkaroon ng BAD DEBT dahil sa credit card.
Nandun kasi yung pagkakataon na ikaw ay nakakabili nang hindi AGAD nararamdaman ang bigat ng gastos.
At the end of the day, ang pagiging mabuti o masama ng credit ay nasa TAO at hindi yan dahil sa pagkakaroon ng credit card.
Di ba may mga taong may utang din naman kahit walang credit card?
THINK. REFLECT. APPLY.
Pinag-iisipan mo bang kumuha ng credit card?
Sa tingin mo ba ikaw ay disciplined enough to manage your credit card expenses?
Do you think, ikaw ay magiging wise sa paggamit ng credit card?