By Ruel J. Mendoza
No rest day for Winwyn Marquez pagkatapos siyang makoronohan bilang kauna-unahang Miss Reina Hispanoamericana Filipinas sa Miss World Philippines 2017.
This November na kasi magaganap ang Miss Reina Hispanoamericana International sa bansang Bolivia kaya tuluy-tuloy ang training ni Wyn with Aces & Queens.
“Mas gusto ko ang ganito kasi tuluy-tuloy ang momentum.
“Mahirap kasi ‘yung matagal ka pang maghintay. At least, kahit na sa November na ang competition in Bolivia, ready na ang katawan ko at kahit bukas na ang pageant, kaya kong lumaban,” ngiti pa niya.
Sa ngayon ay sinusukatan na si Wyn para sa national costume at gowns na isusuot niya para sa Miss Reina Hispanoamericana International.
May mga netizens na nga na kumekuwestiyon kung ano ba ang pageant na sasalihan ni Winwyn? Baka raw small-time pageant lang ito na iilan lang ang sumasali.
Pero imbes na maimbyerna si Wyn, nakiusap na lang ito na suportahan na lang siya dahil siya ang kauna-unahang Pinay candidate na lalaban sa naturang international pageant.
“Please do not belittle the title just because you don’t know anything about it or dahil ngayon niyo lang narinig and nag ququestion bakit tayo kasali etc. please try do a little research and try to be open minded bago mag criticize ng sobra.
“I am so honored to be the first ever Filipina to join this pageant and I’ll be “Miss Philippines” in Bolivia and doon palang winner na ako. Instead of questioning everything magtulungan nalang tayo para makita ng lahat na BUO ang supporta ng mga pinoy,” caption pa ni Wyn sa kanyang Instagram post kamakailan.
Para sa kaalaman ng marami, ang Miss Reina Hispanoamericana International ay nagsimula noong 1991 sa Santa de la Sierra, Bolivia.
Ang original name nito ay Reina Sudamericana (South American Queen) at sampung countries lang in South America ang puwedeng sumali.
Simula noong 2004, 2006, 2007 at 2008, pinasali na nila ang ibang Latin countries tulad ng Panama, Costa Rica, Dominica Republic, Nicaragua, Puerto Rico, Honduras, Guatemala, Mexico, Curacao, Haiti at USA. Kaya pinangalanan na nila ito bilang Reina Hispanoamericana (Hispanic American Queen).
Ngayong 2017, pinasok na rin nila ang Philippines at tatlo pang countries na may significant cultural ties to Latin America and Spain.