By GLEN P. SIBONGA
LIE low daw muna sa acting sa ngayon si Matteo Guidicelli dahil gusto muna niyang mag-focus sa pagkanta. Bagama’t may pelikula siya with Kim Chiu under Star Cinema, ang “Ghost Bride,” hindi raw muna siya tumanggap ng teleserye para matapos niya ang recording ng kanyang second album at mapagtuunan niya ng pansin ang upcoming concert niya.
“Yeah, I wanna lie low a little bit, I wanna focus on my music first. I’ve noticed you can’t do everything at once, right? Or else they’ll just call you an artista who can sing or that dances,” sabi ni Matteo.
Nov. last year naganap sa Waterfront Hotel, Cebu City ang sold out major concert ni Matteo na may titulong #MatteoMadeinCebu. Ngayong taon gusto naman niyang ipamalas ang kanyang singing prowess at pagmamahal sa musika dito sa Manila sa pamamagitan ng kanyang concert na “Hey Matteo,” na gaganapin sa KIA Theater sa November 30, 2017. Ang “Hey Matteo” ay produced by Big Bang Productions, ang production company na nag-produce din ng #MatteoMadeinCebu. Co-produced din ito ng Hills and Dreams Events Concepts Co.
“I have always wanted to sing, but I wasn’t able to focus on it,” ani Matteo. “Now, I’m at a stage of my life when I really want to do music. I’m very excited about this concert because it’s going to feature songs from my upcoming album. And itong concert na ito parang breaking the walls siya, breaking the boundaries. I want to be myself in this concert. I told the producers nga I really want to bring back the 90’s banda feel, a lot of organic real instruments because I grew up to punk rock and rock music talaga. So, live band talaga.”
Ang “Hey Matteo” ay ididirek ni Rowell Santiago with musical direction by Louie Ocampo.