MARIAN Rivera versus Andrea Torres and Heart Evangelista ang inaabangang “laban” sa GMA Telebabad. Mauunang mapanood ang “Super Ma’am” ni Marian, na sinusundan ng “Alyas Robinhood” kungsaan si Andrea ang love interest ni Dingdong Dantes na asawa ni Marian, then ang “My Korean Jagiya” ni Heart Evangelista.
Ratings-wise, hindi maiwasang pagkumparahin ng respective supporters nina Marian, Andrea at Heart kung kaninong show ang mangunguna.
May isyu si Marian kina Andrea at Heart, kaya inaabangan kung kaninong show ang mas susuportahan ng Kapuso viewers.
Parehong aksiyun-aksiyunan sina Marian at Andrea sa “Super Ma’am” at “Alyas Robinhood.” Pa-cute at pakikay naman si Heart sa MKJ.
Isang teacher ang role ni Marian sa SM na aniya, malapit sa puso niya ang karakter na ginagampanan niya. Pinangarap niya noong maging isang teacher.
Ang mga ito ang inspirasyon ni Marian sa karakter niya sa “Super Ma’am.” Ang mga ito ang nagsisilbing pangalawang magulang ng mga mag-aaral kapag nasa eskuwelahan sila.
Sa 10th anniversary ng Gabay Guro na ginanap sa SM Mall of Asia Arena ay naging bahagi ng event si Marian. Bilang pasasalamat at pagbibigay-pugay sa Filipino teachers sa pagdiriwang ng National Teacher’s Month mula September 5 hanggang October 5.
Level up na
Nag-level up na ang samahan nina Sanya Lopez at Rocco Nacino. Sobrang komportable na sa isa’t-isa ang “Haplos” stars.
Nagsasabihan na sila ng kanilang sikreto.
Super close na rin si Sanya kina Thea Tolentino at Pancho Magno na co-stars niya sa “Haplos.” Aniya, hindi lang sila taping friends dahil nagba-bonding din sila kahit wala na sila sa set.
Samantala, mas kaabang-abang ang mga tagpo sa “Haplos.” Labanan nang powers sina Angela (Sanya) at Lucille (Thea).
Dating stage
Kailangang aprubado ng kanyang pamilya ang (o mga) manliligaw ni Sue Ramirez. Nali-link siya ngayon kay Joao Constancia, member ng Boyband PH. Mukhang pasado naman ito sa pamilya ni Sue. Naipakilala na niya si Joao sa mga ito.
Nasa dating stage pa lang sila at getting to know each other. Mapapanood si Sue sa “The Debutantes” with Miles Ocampo, Jane de Leon, Chanel Morales, and Michelle Vito.
Hindi naranasan ni Sue mag-debut dahil namatay ang daddy niya noong 17 years old siya. Pinangarap pa naman daw niyang maisayaw siya ng kanyang daddy sa kanyang 18th birthday. Hindi na lang siya nag-debut party. She’s 21 now.