By Glen P. Sibonga
Excited na ang apat na lead stars ng hit Thai movie “Bad Genius” sa nakatakda nilang pagpunta sa Pilipinas sa Oktubre. Ipalalabas kasi dito sa Pilipinas sa Oct. 18 ang “Bad Genius”, matapos itong maging blockbuster hit sa Cambodia, Taiwan, Malaysia, at Hong Kong. Idi-distribute ito sa Pilipinas ng Silverline Multimedia.
Ang “Bad Genius” ay pinagbibidahan ng phenomenal actress na si Chutimon Chuengcharoensukying sa kanyang acting debut bilang si Lynn, isang straight-A student na gumawa ng exam cheating scheme sa kanyang klase na kinalaunan ay umabot na sa international levels kapalit ng milyones na kita.
Ang role ni Chuengcharoensukying sa “Bad Genius” ay nagbigay sa kanya ng Best Actress award sa 2017 Maya Awards sa Thailand, gayundin ang Screen International Rising Star Asia award sa New York Asian Film Festival. Ang 21-year-old actress ay isang fashion model at fine arts student sa Chulalongkorn University sa Bangkok.
Isa pang bida sa pelikula ay ang 20-year-old na si Teeradon na gumanap naman ng role ni Pat, ang rich boyfriend ni Grace. Nagsimula ang acting career niya sa TV series na “Hormones” noong 2014.
Ang istorya ng “Bad Genius”, na idinirehe ni Nattawut Poonpiriya, ay inspired by true events at nakabase sa real-life news of school cheating na sinamahan pa ng tema ng class inequality at teen social issues.