Sa “24 Oras” unang nagpaunlak ng interbyu ang nagbabalik-Kapusong si Atom Araullo na aniya, mahilig siyang gumawa ng documentary. Kaya naman, isasabak siya ng Kapuso Network sa paggawa ng documentaries para lalo siyang mahasa bilang isang documentarist.
Ang unang assignment ni Atom ay i-e-explore niya ang karagatan sa Pilipinas. Ilalahad niya ang mga kaakibat na isyu at challenges. Ipinasilip na ang ilang adventures niya na mukhang kaabang-abang talagang panoorin.
Sina Howie Severino at Kara David ang mga hinahangaan ni Atom sa mga Kapuso documentarist. Bukod sa paggawa ng sariling istorya sa mga makabuluhang dokumentaryo, kabilang na rin si Atom sa hosts ng “I-Witness.”
Matapos ang ilang taong pagiging Kapamilya ng ABS-CBN, balik-Kapuso ang broadcast journalist na si Atom Araullo.
Field reporter siya noon sa “24 Oras” kung saan may segment siya, “Atomic Sports” in 2004 kung saan nagbabalita si Atom ng mga kaganapan tungkol sa larangan ng sports.