By: Kate Javier
Kinasuhan ng illegal detention and child abuse ang tatay at lolo ng dalawang batang nakakulong at nailigtas sa isang bahay sa Malabon City noong Huwebes.
Sinabi ni Rose Ramos, Malabon social welfare officer, na ang mga biktima – a four-year-old child at kanyang bulag na tatlong taong gulang na kapatid – ay may sakit na epilepsy.
Ayon sa Malabon police, nakitaan ng parental negligence ang mga magulang at lolo ng mga bata. “We saw ‘parental negligence’ during the rescue operation,” sinabi ng isang alagad ng Malabon police Women and Children Protection Desk.
Ayon sa tatay ng mga bata na isang laborer sa isang hardware shop, iniiwan niya at ng kanyang bayaw ang mga batang nakakulong upang makapagtrabaho at masuportahan sila.
Nakatira naman malapit sa bahay ng mga bata ang kanilang 23-year-old mother at may sarili nang pamilya.
Nailigtas ang mga biktima matapos ipagbigay alam ng concerned citizen sa mga otoridad na may batang nakakulong sa isang hawla sa isang bahay sa Lapu-Lapu St., Barangay Longos.