By RUEL J. MENDOZA
DAHIL sa kanyang health condition may ilang taon nang nakaraan kaya hindi muna napanood sa anumang teleserye ang aktres na si Ms. Helen Gamboa-Sotto.
Dapat ay kasama sa 2013 GMA-7 teleserye “Sa Akin Pa Rin AngBukas” na pinagbidahan ni Lovi Poe si Helen. Pagkatapos ng ilang taping days ay bigla itong nag-backout sa project at pinalit sa kanya ay ang aktres na si Liza Lorena.
Nagkaroon ng slipped disc si Ms. Helen kaya inabisuhan siya ng kanyang doctor na magpahinga at mag-concentrate sa kanyang therapy.
Ngayon ay okey na raw ang kalusugan ng 69-year old veteran singer-actress kaya tinanggap niya ang telefantasya na “Super Ma’am” bilang lola ni Marian Rivera-Dantes.
“After I had therapy, okey na ang pakiramdam ko. Kaya naman dalawa pa ang shows ko ngayon.
“Aside from ‘Super Ma’am,’ I’m also hosting my own cooking show, ‘From Helen’s Kitchen’ on Cignal TV. Doon naman nagluluto naman tayo which I love doing at home.
“Ito naman ‘Super Ma’am’, tinanggap ko agad when they offered it to me kasi Marian is my inaanak sa kasal. Hindi ako makatanggi talaga.
“Now, I’m taping three times a week and everything is okay so far.
“Mabait ang director namin na si Direk L.A. Madridejos. Lagi niya akong tinatanong kung gusto ko na ba magpahinga?
Hindi tayo pinapabayaan ng buong staff and crew.
“Bilang pasasalamat ko sa kanila, I always bring food sa set. Para lahat kami masaya at busog habang nagtatrabaho,” ngiti pa ni Ms. Helen.
First time na gumawa ng isang telefantasya si Ms. Helen kaya nae-excite siya sa mga eksenang gagawin niya.
“I usually do straight drama. Pero itong ‘Super Ma’am,’ there’s fantasy, may comedy at konting drama. It’s a show for the whole family. Kaya pati mga apo ko ay puwedeng panoorin ang ‘Super Ma’am,’” pagtapos pa ni Ms. Helen Gamboa-Sotto.