By: Chito Chavez
Itutuloy ng “Stop and Go Coalition’’ ang plano nitong pagsasagawa ng transport strike ngayong araw, September 25, bilang protesta sa jeepney phase-out sa Metro Manila at kalapit na lugar.
Sa kabila nito, ipinahayag ni Stop and Go Coalition president Jun Magno na bukas pa rin ang kanilang grupo na makipag-usap sa gobyerno kung hinihingi ng pagkakataon.
Bukod sa jeepney phase-out, tinututulan din ng Stop and Go Coalition ang jeepney modernization program dahil sa napakataas na halaga ng e-jeepneys na siyang planong ipalit sa traditional jeepney models.
Sinabi ni Magno na ang R1.6 million halaga ng isang e-jeepney ay sobrang taas para sa drivers at mahihirapan din ang operators sa pagbabayad sa loob ng pitong taon.
Samantala, ipinahayag ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na handa ito para tulungan ang commuters na maakpektuhan ng nakakasang transport strike ngayon.
Magtatalaga ang agency ng buses, military trucks, at iba pang government vehicles para ihatid ang mga commuters sa kani-kanilang destinasyon.