By Mell T. Navarro
PUMANAW na ang beteranong Filipino singer at batikang composer na si Ric Manrique, Jr., noong Biyernes, September 22, 2017, 3:23 p.m. Pacific time sa Buena Park, California, USA, dahil sa heart failure. He was 76 years old.
Ito ay kinumpirma ng pamangkin at inaanak niyang si Maritess Manuel Villarta na nasa Amerika rin at nagpadala sa amin ng impormasyon sa pamamagitan ng Facebook.
For almost 18 years ay nag-migrate na ang buong pamilya ni Mang Ric sa California.
May naiwan ang batikang musician na asawa, apat na anak, at ilang mga apo, na lahat ay naninirahan na sa Amerika.
May iba pa bang naging karamdaman si Mang Ric?
“No, it’s just old age,” sabi ni Maritess.
“He’s always been in good shape and good health, but you know, you get older, your body changes.”
Ayon pa rin kay Maritess, may dalawa pang kapatid na babae si Mang Ric, ang isa ay naninirahan sa Chicago at ang isa naman ay sa Florida.
Nagpadala rin kami ng mensahe sa isa sa mga anak ni Mang Ric na si Richie Manrique, pero as of press time ay hindi pa niya ito nasasagot.
Ayon sa Wikipedia, “Ricardo “Ric” Manrique, Jr. is a Filipino Kundiman singer. He is known as one of the two Hari Ng Kundiman in the Philippines, alongside Ruben Tagalog. He was a member of the Mabuhay Singers in the 1950s.”
Ilan sa mga klasikong Tagalog songs na nilika niya ay “Bituing Marikit”, “Saan Ka Man Naroroon”, “Dahil Sa Isang Bulaklak”, “Sapagkat Kami Ay Tao Lamang”.
Ang iba pa niyang classic and unforgettable compositions ay “Maalaala Mo Kaya”, “Magbalik Ka Lamang”, “Mahiwaga”, “Inday Ng Buhay Ko”, at iba pa.
Sadyang napakarami niyang naging hit, classic songs na mananatiling buhay sa alaala ng sambayanang Pilipino sa loob ng maraming dekada.
Ang mga ito ay kung ilang beses nang nagawan ng iba’t ibang versions ng maraming singers, naging movie theme songs, ginawang titles ng mga television shows, at hinangaan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Nagluluksa ang buong Philippine music industry sa pagpanaw ng Original Pilipino Music (OPM) icon na si Ric Manrique, Jr.