By: Alexanderia Dennise San Juan
Mga drug paraphernalia, improvised na kutsilyo, hardware tools, gadgets at iba pang kontrabando ang nasamsam ng pulisya nang magsagawa ng raid sa loob ng Quezon City Jail bilang parte ng mas masusing Oplan Greyhound kahapon ng umaga.
Ayon kay QC jail warden Supt. Emerlito Moral, ang operasyon ay isinagawa makaraang makatanggap sila ng tip na laganap ang betahan ng droga sa loob ng piitan.
Walang ilegal na droga na nakuha sa raid bagama’t mayroong mga drug paraphernalia, cellphones, pakete ng iba’t-ibang mga sigarilyo, lighter, lagare, martilyo, gunting at iba pang matatalas na gamit na nakolekta rito.
Sinabi ni Moral na ipinadala na nila ang mga drug paraphernalia sa laboratoryo para masuri.
Pinagdiinan ni Moral na patuloy nilang isasagawa ang Oplan Greyhound sa mga darating na mga araw upang maiwasan ang mga ilegal na gawain at gamit sa loob ng Quezon City Jail.