By: Anna Liza V. Alavaren
Patay ang isang 58-year-old woman nang pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong salarin sa tapat ng isang apartment sa Makati City kahapon.
Dead on the spot si Honor Suarez, residente ng Libertad St., Mandaluyong City, dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan.
Inaalam pa ng police ang motibo ng pagpatay.
Ayon kay PO3 Ronaldo Villaranda at PO2 John Marlou Garcia, ng Homicide Section, Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Makati City Police, nakatayo ang biktima sa harap ng isang apartment sa Kamagong corner Baticulin Sts., Brgy. San Antonio Village nang biglang dumating ang mga salarain sakay ng isang motorsiklo na walang plate number. Isa sa rider ang bumaril sa kanya.
Sa pamamagitan ng identifiecation card na nakuha sa kanya, nalaman ng police ang pagkakakilanlan ng babae na noo’y nakasuot ng skinny pants at gray shirt.
Nang inspeksyunin ang katawan ng biktima, na-recover ng police ang isang plastic sachet ng shabu.