WALANG gustong baguhin o balikan si Regine Velasquez-Alcasid sa 30 years niyang pamamalagi sa showbiz. Actually, 31 years na dahil last year ang 30th anniversary niya sa showbiz. Wala siyang celebration, kaya this year niya ise-celebrate sa pamamagitan ng two-night concert na gaganapin sa October 21 and 22 sa SM Mall of Asia Arena.
Billed “R3.0,” guests sina Mark Bautista, Sarah Geronimo, Morisette Amon, Jed Madela, Lara Maige, Jona, Julie Ann San Jose, Aicelle Santos, Erik Santos, Angeline Quinto, Ogie Alcasid, and other surprise guests.
Ani Regine, magkaiba ang repertoire ng two-night concert niya at magkaiba rin ang guest performers.
Ayon pa sa Asia’s Songbird, wala rin siyang regrets. May mga pagkakamali siyang nagawa, pero marami siyang natutunan.
“Yung past mistakes ko made me stronger for who and what I am today,” she said.
Ayon pa kay Regine, sumagi sa isip niya na mag-retire na sa showbiz. That was after she gave birth to Nate. But then, nananalaytay sa dugo niya ang pagiging singer, kaya aniya, hanggang kaya niya, hanggang gusto pa siya ng publiko, hindi siya magre-retire.
Bukod sa “P3.0,” concert, may bagong album si Regine. Also titled “P3.0 (read as R-three-point-oh), siya ang producer under ng Viva Records label.
Buyers ng platinum tickets ng “P3.0” concert ay may libreng 3-disc commemorative edition ng “P3.0” album ni Regine.
Ticket prices are Platinum (P6,720), VIP A (P5,040), VIP B (P2,800), Patron A (P3,920), Patron B and C (P2,800), Lower Box 1 (P2,240), Lower Box 2 (P1,680), Upper Box A (P840), General Admission (P392).
Nakalimutan na?
Si Jak Roberto lang ang nakaalala sa birthday ni German Moreno noong Oct. 4. Eighty-three years old na sana si kuya Germs kung nabubuhay pa siya. Isang misa ang idinaos sa Mt. Carmel church na dinaluhan ng anak niyang si Federico and his family, relatives, close friends at mga kaibigang reporters ni kuya Germs.
Dumalo sa misa si Jak at pumunta rin siya sa dinner sa isang restaurant sa Greenhills. Ayon sa mga dating sekretarya ni kuya Germs na sina Carmelites at Chuchi, hindi sila nag-imbita para sa birthday mass ni kuya Germs at dinner. Kung sino lang daw ang makaalala ay welcome.
Sa dinami-rami ng mga dating alaga ni kuya Germs na natulungan niya, si Jak lang ang nakaalala sa birthday niya.
Nakalimutan na kaya nina Jake Vargas, Ken Chan, Hero Peralta at iba pa?