By: Chinkee Tan
Ikaw ba yung tao na mahilig mag SELF-PITY party? Pupunta sa isang tabi, magmumukmok at ang laman ng isip ay, “Kawawa naman ako … Paano naman ako?”
Ayaw mong makipag-usap sa ibang tao dahil feeling mo hindi naman nila maiintindihan ang pinagdadaanan mo.
Mugtong-mugto na ang mga mata mo sa kaka-iyak, parang puputok na ang ugat sa ulo mo dahil sa sakit, at gasgas na ang vocal chords mo sa kaka-ngawa pero tuloy pa din ang iyong bonggang bongga na pity party.
Nagpa-cater ka pa ng masasarap na mga putahe para siguradong busog at enjoy ang mga bisita mong mga negatrons. At parang hindi lang ito one-day event ha, gusto mo pa yata gawing lifetime event! Ikaw na!
Pero kung ikaw naman ay pagod na sa pity party mo dahil ikaw lang ang parating present. Allow me to discuss first with you kung ano nga ba ang dahilan ng self-pity.
One of the factors kaya ka may pity party from time to time ay dahil sa:
SELF-CENTEREDNESS
You are too busy sa PAGHIHINTAY ng kung ano ang maibibigay na atensyon sa iyo. Gusto mo yung TANGGAP KA LANG NG TANGGAP.
Kaya kahit minsan lang na wala kang matanggap, feeling mo super kawawa ka na. Ang madalas mong maisip ay kung ano ang nararamdaman mo.
Another reason could be that you have:
POOR SELF-ESTEEM
You don’t FEEL good about yourself, at feeling mo palaging may MAS magaling sa’yo.
Ang NAKATATAK sa isip mo ay mga katagang gaya nito: “Hindi ko kaya…,” “Hindi ako magaling…,” “Wala naman akong talent…,” and “Wala namang nagmamahal sa akin…”
And probably, it’s also because of:
BEING DISCONTENT
Never ka naging masaya sa kung ano ang MERON ka. Lagi na lang KULANG. You always want MORE.
Binigyan ka na nga ng salary increase, sasabihin mo pa, “ETO LANG?!?” Nag-increase pa, kulang pa din naman ‘to sa mga pangangailangan ko!”
Nakaka-drain naman mag pity party! Kaya ngayon, share ko naman yung mga tips ko para ma-overcome mo na ang self-pity.
Ang pwede mong gawin is to:
START GIVING
Tama na yung kakahintay sa kung anong matatanggap mo. It’s time to REDIRECT YOUR FOCUS from yourself to others.
Try to OBSERVE THE NEEDS OF OTHERS. Assess mo kung paano ka makakatulong sa kanila then start extending a helping hand. This will definitely give you a different kind of happiness na never mong nararanasan sa isang pity party.
STOP COMPARING
Lahat tayo ay ginawang UNIQUE ni Lord. Parang sa parte lang ng katawan ‘yan. Hindi ginawa ni Lord na ang buong katawan natin ay mata. Dahil maliban sa hindi masyadong okay tingnan ang ganun, paano na ang ibang FUNCTIONS?
So all you have to do is to focus on your strengths and MAXIMIZE them.
And lastly, don’t forget to:
BE GRATEFUL
Kapag nag-concentrate ka sa KAKULANGAN, hinding hindi ka talaga makukuntento.
Pero isipin mo ang lahat ng magagandang nangyari sa’yo and you’ll realize na madami ka palang DAPAT IPAGPASALAMAT.
THINK. REFLECT. APPLY.
May pity party ka na naman ba? Gusto mo na bang tapusin ang party mong ‘yun? If yes, sa anong paraan mo tatapusin ang iyong pity party?