TWO years ago, lumapit ang mag-inang aktres sa isang talent management company (TMC). Gusto ni mother na ito ang mamahala sa career ng kanyang daughter.
Tinanggihan sila ng TMC dahil aware ito na ayaw ng network kung saan nakakontrata si daughter na co-managed ito.
Kumuha pa ng lawyer si mother para ikunsulta ang kaso ni daughter.
Pero nanindigan ang TMC na kailangang tapusin muna ni daughter ang kontrata sa network at saka sila mag-usap muli.
Nagulat na lang ang TMC na noong nag-expire ang kontrata ni daughter, hindi na bumalik ang mag-ina.
Nabalitaan na lang ng TMC na ibang management company ang nilapitan ni mother at doon ipinakontrata si daughter.
Walang tampo o sama ng loob ang TMC sa nangyari. Baka raw nakalimutan ng mag-ina ang pinag-usapan nila noon na pagkatapos ng kontrata ni daughter ay saka sila mag-uusap muli. Ganoon nga kaya ‘yun?