By GLEN P. SIBONGA
NANINIWALA si Cristine Reyes sa evil spirits kaya naman nag-iingat daw siya sa tuwing gumagawa ng horror movies gaya na lang ng bago niyang pelikulang “Spirit of the Glass 2: The Haunted” mula sa OctoArts Films at T-Rex Entertainment.
“If mayroon akong gagawing project na horror, dahil naniniwala ako sa dark world, spirit world, naniniwala talaga ako doon, kaya every time na magbabasa ako ng script na horror kailangan nasa may mga tao at day talaga. Hindi sa kuwarto ko, kung saan ako nagpapahinga, kasi ayokong mag-imagine, malakas kasi imagination ko. And then si Ali (Khatibi, asawa ni Cristine) careful din, lagi niyang sinasabi sa akin na ayaw niyang dinadala ko si Amarah (anak nila) doon sa set lalo na kapag horror ang ginagawa ko. So, ingat lang din. Kasi hindi mo masasabi na kapag nagsu-shoot ka ng horror, nag-a-attract din ‘yun ng spirits e,” sabi ni Cristine.
Inamin din ni Cristine na noong estudyante pa siya ay nasubukan niyang maglaro ng katulad ng spirit of the glass.
“Naaalala ko kasi noong nasa school pa ako noon, kami ng mga classmates ko nag-dare kami, naglaro kami. Pero ang gamit namin coin, it’s either glass or coin, di ba? Siyempre naglalaro kami, alam namin na magtatakutan lang kami.
Pero now na matanda na ako, mature na ako, alam ko na ‘yung tama at mali, siyempre I wouldn’t dare na maglaro ulit.
Kasi ayokong makipaglaro sa devil, dahil alam naman po natin na mahirap takasan ‘yun kapag nakipaglaro ka sa mga ganung elemento. So, now ayoko nang gawin ‘yung ginagawa ko noong bata ako. Thankful naman ako na walang nangyari sa akin masama noon.”
Ginagampanan ni Cristine sa “Spirit of the Glass 2: The Haunted” ang role ni Bea, na isang stylist at fashion editor.
Kasama niya sa cast sina Maxine Medina, Ashley Ortega, Daniel Matsunaga, Benjamin Alves, Enrico Cuenca, Teri Malvar, Janine Gutierrez, Dominic Roque, at Arron Villaflor. Sa direksyon ni Jose Javier Reyes, ang “Spirit of the Glass 2:
The Haunted” ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa Nov. 1.