By: Chinkee Tan
Mawala na ang lahat ng mga bagay na pinagpaguran mo, huwag ka lang masira sa mga taong nagmamahal sayo.
Nanay, tatay, kapatid, tito, tita, kasintahan, kaibigan, kaklase, ka-partner, o kaopisina – iilan lamang ito sa mga taong may RELASYON sa ating buhay.
Pero ang nakakapagtaka, despite na maganda, matibay, at maayos naman ang ating pinagsamahan, bakit merong mga taong kaya itong sirain sa isang iglap?
Halimbawa sa mga sitwasyon na: Gusto makalamang; nabulag sa pagkakataon; short-term kung mag-isip; o pagiging makasarili.
Kung iisipin niyo, nakakapanghinayang. Ang tagal tagal na binubuo ang tiwala at respeto, at mawawasak lang ng ganun ganun na lang, dahil nandaya o nagtaksil sila.
Sabi nga, “Nag-iisip ba sila?”
Tandaan po natin, na dapat natin bigyan ng halaga ang damdamin ng bawat nakapaligid sa atin, kailangan natin alagaan, mahalin, pangalagaan, at tratuhin ng tama.
Bakit ba natin kailangan bigyan ng halaga ito?
1. THEY SUPPORTED US DURING TOUGH TIMES
“Sige kaya mo yan;” “Pagsubok lang yan, malalagpasan mo yan. Ikaw pa!;” “Napakasaya ko para sayo, you deserve it!;” “Alam mo lagi kita pinagdadasal.”
Ang taong mahalaga sa atin ay wala ibang hinahangad kundi makita tayong mag-succeed at maging masaya sa buhay. Sila ang nagiging gabay at suporta sa bawat pagdadaanan natin ng hindi tayo hinuhusgahan.
2. THEY ENCOURAGE PERSONAL GROWTH
Having good relationship with our loved ones means being inside a circle of open-minded people, kasi your success is their success as well – hindi uso ang crab mentality.
Sila pa nga mismo ang gagawa ng paraan para matulungan tayong abutin ang mga pangarap natin, maski hindi mo sabihin sa kanila. Magugulat nalang tayo na nagte-take sila ng risk para lamang suportahan tayo.
3. BRINGS SO MUCH JOY TO YOUR LIFE
Nandoon sila parati sa finish line na nag-aabang para pumalakpak at makisaya sa atin kapag natapos na natin ang ating ginagawa.
Aanhin natin ang tagumpay kung tayo ay nag-iisa? Siguro magiging malungkot, lifeless, at boring ang celebration diba?
Mas masarap mag-celebrate ng mga success natin with people we love and who love us in return.
4. MAKES OUR LIFE MORE WORTHY
Relationships make our life story even better. With them around, we are being able to form a sense of identity. Kasi kung wala sila, we will not belong to any family, school, organization, or community where we can feel that we belong, needed, and important.
Iba yung feeling mo kapag alam natin tanggap tayo at kailangan tayo para din sa ikauunlad ng ibang tao. Our positive relationship towards one another can become a catalyst of change that will create a domino effect, which is needed to make this country a better place.
THINK. REFLECT. APPLY
Sino sino ang mga pinapahalagahan mo sa buhay mo ngayon? May nasaktan ka ba sa kanila o inalis sa buhay mo? Paano mo planong makabawi sa kanila o baguhin ang iyong nagawa? Kung ikaw naman ay nasaktan, ready ka ba magpatawad at magsimula uli?