By Ruel J. Mendoza
Dahil sa sunud-sunod na bashing na natanggap mula sa netizens, nagdesisyon si Miss Philippines International 2017 Mariel de Leon na burahin ang lahat ng kanyang tweets at magsimula ulit na mas positibo.
Parating kasing nakakatanggap si Mariel ng bashing dahil sa kanyang mga insensitive tweets at minsan ay parang nakikisawsaw ito sa mga issues.
Napagsabihan na rin si Mariel ng ilang netizens na tumulad ito sa mga katulad nitong mga beauty queens na hindi nagmamarunong at kung mag-tweet ay iniisip ng husto at hindi basta nakapag-tweet lang.
Isa sa hindi nagustuhan na tweet ng netizens from Mariel ay ang tungkol kay sa Eat Bulaga TV host na si Joey de Leon at sa issue ng depression.
Kaya sa muling pagsisimula ni Mariel, ang unang tweet niya ay isang letter of apology.
Inamin ng beauty queen na masyado siyang emotional at nangingibabaw daw iyon parati.
“I’m a very passionate person. Especially when it comes to matters close to my heart.
“Most especially anxiety and depression because I know how hard the struggle is.
“I admit that my emotions do get the better of me and the words I choose may come out wrong at times.
“For that, I do apologize. I’m still young but I know that isn’t an excuse. I’m stil learning and going through life day by day,” ayon pa kay Mariel.
Pero hindi naman daw lahat ng netizens ay bina-bash si Mariel. Meron namang mga pumupuri sa kanya dahil sa kanyang pagiging vocal at alam nilang isinasapuso ng beauty queen ang tweets nito.
“I keep my advocacies close to my heart and I’ll always be voicing out my opinions passionately.
“It is a privilege to have a platform and a voice. And I will strive to use it with due respect and fairness,” diin pa ni Mariel de Leon na mag-compete sa Miss International Beauty Pageant sa Japan this November.