By: Vanne Elaine P. Terrazola
Ipinag-utos ng senado ang pagharap ng 14 members ng Aegis Juris fraternity sa isang hearing ngayong araw. Ayon kay Senador Panfilo Lacson, chairman ng committee on public order and dangerous drugs, nagpadala na sila ng subpoena sa 14 na frat members na sangkot umano sa pagkamatay ni Horacio ‘Atio’ Castillo III dahil sa hazing.
Kabilang sa ipinatawag ng senado si Ralph Trangia na kababalik lamang sa Pilipinas matapos lumipad ito patungong Estados Unidos ilang araw lamang matapos maganap ang krimen noong September 17.