By: PIA
ODIONGAN, Romblon – Tatlumpo’t-lima katao kamakailan ang nakapagtapos sa kursong Construction Occupational Safety & Health (COSH).
Ang naturang pagsasanay ay pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DoLE)-Romblon sa pakikipagtulungan ng Corporate Occupational Safety and Health Environment Association of the Philippines (COSHEMAP).
Ito ay nilahukan ng mga civil engineer ng iba’t ibang construction firm sa lalawigan, ilang inhenyero ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Romblon Engineering District at ilang kawani ng Bureau of Fire Protection at Local Government Units.
Layunin ng kursong ito na mabigyan ng sertipiko ang mga lumahok bilang patunay na kanilang nakakumpleto ang itinakdang oras ng pagsasanay sa construction safety and health at may sapat ng kaalaman ukol sa pagpapatupad ng OSH sa industriya ng konstruksiyon at marunong mag-analisa hinggil sa risk & hazard, kayang gumawa ng tamang ebalwasyon, control & risk management.