PROUD si Marian Rivera and her co-actors sa “Super Ma’am” dahil kasama ang kanilang serye sa most buzzed new shows sa social media nitong September.
Ito’y ayon sa Social Wit List. Ang “Super Ma’am” lang ang Philippine series na napasama sa listahan. Kabilang rito ang “Hand in Hand: A Benefit for Hurricane Harvey Relief” (USA), “Gaga: Five Foot Two” (Neflix, Global), “Star Trek:
Discovery” (USA), “Will and Grace” (USA), “Bizim Hikaye” (Turkey), #Game4 Grenfell (UK), “La linea roja” (Spain), “The Good Doctor” (USA), at “MTV Unplugged” (USA).
Muling pinatunayan ni Marian na hindi lang siya the best dito sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Mas lalo siyang na-inspire na pagbutihin lalo ang kanyang trabaho.
Ang sipag-sipag din niyang mag-promote ng “Super Ma’am.” Abangan si Marian sa Magic Mall, Urdaneta Pangasinan on Oct. 21 para sa isang mall show, kasama ang “Super Ma’am” co-stars niyang sina Kristoffer Martin at Joyce Ching.
Bully
Malaki ang ipinagbago ni Cristine Reyes mula nang mag-asawa siya at nagkaanak. Aniya, tahimik ang buhay niya ngayon, walang intriga. Masaya ang married life niya sa piling ng husband niyang si Ali Khatibi at anak nilang si Amarah (two years old).
Career-wise, masaya rin si Cristine. Hindi siya nawawalan ng projects. Nakagawa siya ng dalawang pelikula. Showing pa ngayon sa mga sinehan ang “Seven Sundays.” Sa Nov. 1 naman ipalalabas ang “Spirit of the Glass 2: The Haunted” under Octo-Arts Films and T-Rex Entertainment. Isang stylist at fashion editor ang role ni Cristine.
Si Joey Reyes ang nag-direk ng “Spirit of the Glass 2: The Haunted” na aniya, bago pa sila nagsimulang mag-shoot ay super bonding ang cast. During the shoot, sobrang komportable nang magtrabaho ang mga ito. Nagbu-bullyhan pa sila at isa sa mga bully ay si Cristine. Paborito niyang i-bully si Daniel Matsunaga.
Walang atrasan
Sad naman kung dahil lang sa pelikula’y totoong naapektuhan ang friendship nina Coco Martin at Vice Ganda. Pareho silang may entry sa 2017 Metro Manila Film Festival. Walang gustong umatras kahit diumano’y nakiusap si Coco kay Vice na iurong ang “The Revengers” para hindi makasabay ang “Ang Panday” na si Coco ang bida, direktor at producer.
Magandang abangan kung kaninong pelikula ang kikita sa takilya. Coco versus Vice. Laban kung laban!