By: Martin Sadongdong
Sugatan ang isang babae nang saksakin ito ng kaniyang kapitbahay sa kanilang lugar sa loob ng sementeryo sa Pasay City.
Nilapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital si Pinky Conquilla, 47 anyos nang saksakin ito ng suspek na si Cristito Bayting.
Away sa customer ang isyu ng dalawa na parehong may tindahan sa loob ng sementeryo. Hindi man niya pinagsisihan ang kaniyang ginawa, iginiit naman ni Bayting na gunting at hindi panaksak ang kaniyang ginamit sa pag-atake kay Conquilla.