By GLEN P. SIBONGA
HINDI pa rin daw nagsi-sink in kina Valeen Montenegro at Jerald Napoles ang pagiging lead stars nila ng pelikulang “The Write Moment,” na isinulat at idinirehe ng The IdeaFirst Company creative artist na si Dominic Lim.
Executive produced by award-winning directors Jun Robles Lana and Perci Intalan ng IdeaFirst, ang “The Write Moment” ay isa sa official entries sa 2017 QCinema International Film Festival, na tatakbo mula Oct. 19 to 28, 2017.
Tila hindi pa rin daw makapaniwala si Valeen na nakuha na niya ang biggest break niya sa pelikula. Aniya, “wala akong kuwentang kausap kasi hindi pa nagsi-sink in talaga. Hindi ko pa po naiisip lahat.
“Buti nga po natatanong niyo para naiisip ko siya. ‘Yun nga po, sobrang wala akong expectation. Pero ngayong natatanong po niyo, ‘Oo nga no, shocks, leading lady!’ Hindi ako sanay. Pero ano ba ang dapat feeling? Basta thankful ako sa nangyari. And thankful din ako na si Jerald ang kasama ko in this film.”
Ano naman ang feeling ni Jerald na bida at leading man status na siya ngayon?
“Actually, matagal po mag-sink in sa akin ‘yung ganun. Nagpapasalamat po ako. Don’t get me wrong ha, nagpapasalamat po ako doon. Siguro ayoko lang po kasi masyadong namnamin na, ‘Ay, leading man ako!’ Hindi naman po kasi bagay sa hitsura ko na namnamin ‘yung mga ganung bagay, di ba? So, okay lang na chill lang po ako,” biro ni Jerald.
Masaya sina Valeen at Jerald na sila ang naging magkapareha sa kanilang unang lead roles sa pelikula dahil kumportable na silang katrabaho ang isa’t isa bilang magkaibigan sila in real life at magkatrabaho pa sa “Sunday Pinasaya.” Maganda rin daw ang naging working experience nila kay Direk Dominic dahil open ito sa collaborative inputs.
Wish nina Valeen at Jerald na sana ay maging big hit sa QCinema ang “The Write Moment” at marami silang mapasayang manonood. Narito ang screening schedule ng “The Write Moment”: Oct. 20 (4 p.m.) – Trinoma; Oct. 21 (3:30 p.m.) – Gateway; Oct. 22 (8:30 p.m.) – Gateway;
Oct. 23 (4 p.m.) – Robinson’s Galleria; Oct. 24 (1 p.m.) – Robinson’s Galleria; Oct. 24 (9 p.m.) – Trinoma (GALA); Oct. 25 (1 p.m.) – Gateway; Oct. 25 (6:30 p.m.) – Robinson’s Galleria; Oct. 26 (6:30 p.m.) – Robinson’s Galleria; Oct. 27 (1:30 p.m.) – UP Town Center; at Oct. 28 (1 p.m.) – Gateway.