By: Alex Calleja
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
•
Hi Alex,
Matagal na kaming mag-asawa ng misis ko, mahigit sampung taon na. Wala namang okasyon pero gusto ko sana siyang bigyan ng flowers para sorpresahin siya. First time kong gagawin ito. Hindi ko nga alam kung bakit pumasok sa isip ko ito pero talaga desidido na ako. Ano po ba ang magandang bulaklak at ilang piraso ang ireregalo ko sa kanya?
Aldo ng Pasig City
Hi Aldo,
Wala naman palang okasyon bakit ka magreregalo. Sinabi mo na mahigit na sampung taon na kayong mag-asawa at first time mong gagawin ito.
Wag mong gagawin! Bakit? Kasi baka isipin niya, may kasalanan ka! Ayan ang mga reaksyon ng mga babae! Iisipin niyan na may babae ka kaya ka nagbigay ng bulaklak!
Saka kapag ginawa mo yan, aasahan niya na gagawin mo ulit yan sa mga araw na may okasyon, paano kung nakalimutan mo, eh di gulo! Nagtagal kayo ng mahigit sampung taon na hindi ka nagbibigay ng bulaklak, ayos na yan! Wag mong ayusin ang isang bagay na hindi naman sira!
•
Hi Alex,
Ano ba ang magandang ipangregalo sa pasko?
Sonia ng Caloocan City
Hi Sonia,
Mug, ballpen, picture frame, towel, at fruitcake. Wag na wag kang magreregalo niyan sa Pasko, utang na loob! Bukod sa mga bagay na sinabi ko, lahat pwede mo ng ipang-regalo!
•
Hi Alex,
Thirty years na pong mag-asawa ang mommy at daddy ko. Lima kaming magkakapatid at masasabing masaya ang pamilya namin. Si Mommy ay isang housewife at si Daddy naman ay may sariling business.
Pero isang araw, nagbago ang lahat dahil habang nasa mall ako, nakita ko si Daddy na may kasamang babae.
Magkahawak sila ng kamay. Nagkatinginan kami ni Daddy at alam kong nakita niya ako. Ano po kaya ang gagawin ko?
Lander ng Makati City
Hi Lander,
Mag-isip ka na ng mga bagay na gusto mong bilhin. Siguradong lahat ng gusto mo, hindi tatanggi ang Daddy mo. Ito na ang panahon kung saan lahat ng pangarap mo sa buhay matutupad.
Napaka-swerte mo, bihira ang binibigyan ng ganyang pagkakataon! Daig mo pa ang tumama sa lotto!
•
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] o facebook/twitter/instagram:
alexcalleja1007.