By: Anna Liza Villas-Alavaren
Nanawagan ang Makati City government sa lahat ng magulang na maging mapag-matyag sa kanilang mga anak matapos ma-aresto ang isang pinaghihinalaang pedophile.
Arestado ang isang Elias Cosme, 70 anyos na nang-eenganyo ng mga high school students kasabwat ang kanilang mga classmates at nagagawang paghubarin sa isang condominium.
“We can never be too careful these days. Young children tend to be gullible and easily influenced by peers, so they need constant guidance from us parents,” ani Makati City mayor Abigail Binay.