By Mell T. Navarro
AFTER Jason Abalos, isa pa ring “Jason” ang lumipat mula ABS-CBN 2 papuntang GMA 7 – ang komedyante at produkto ng “Pinoy Big Brother” na si Jason Francisco, asawa ni Melai Cantiveros.
Nag-expire na ang exclusive contract ni Jason sa Kapamilya, kaya malaya na siyang lumipat sa anumang network – tulad ng Kapuso station.
Bago na ang management ni Jason, ito ay ang PPL Entertainment ni Perry Lansigan, manager rin nina Dingdong Dantes, Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, Gina Alajar, Jaclyn Jose, Max Collins, Arthur Solinap, Rochelle Pangilinan, Angelika dela Cruz (among others), na puro mga Kapuso.
Since identified nga si Perry sa GMA, open na raw si Jason sa paglipat rin sa Kapuso station, after being a Kapamilya for almost eight years.
Pero hindi rin nga lang napapanood ang PPL artists sa Kapuso, maging sa Kapamilya network rin, tulad nina Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann, Wendell Ramos, at Ejay Falcon, na bago ring lipat sa management ni Perry a few months ago.
Inamin ni Jason na si Jolina ang nag-refer kay Perry, at maayos naman daw ang naging pag-uusap, base na rin sa pagkokonsulta mismo ni Jason.
Ang asawa ni Jason na si Melai Cantiveros ay co-host ni Jolens sa “Magandang Buhay”, ang top-rating daily morning show ng ABS-CBN.