By: Analou De Vera
Tiniyak ng pamunuan ng University of Sto. Tomas (UST) ang kanilang commitment para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni freshman law student Horacio “Atio” Castillo III, sinasabing namatay dahil sa initiation rites ng UST-based Aegis Juris Fraternity.
Sa isang statement, sinabi ng UST na nabahala sila sa mga ulat ukol sa umano’y hindi nila pagbibigay ng sapat na atensyon sa kaso.
“On the contrary, on the first day the news broke out, the University manifested its grief, offered prayers, and conveyed its profound sympathy to the family of Horacio,” ani official statement ng UST.