Iniimbestigahan ng police ang pagkamatay ng isang babae na ang bangkay ay nakita sa isang compound malapit sa La Mesa Dam sa Barangay Greater Lagro, Quezon City, kahapon ng umaga.
Ayon sa investigators ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, ang biktima na hindi pa nakikilala ay mga galos at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Isang security guard ang nakakita sa bangkay na noo’y nakasuot ng blouse na may printed cartoon characters at green shorts, at may earphones sa taenga sa tapat ng gate ng Bureau of Plant and Animal Industry compound.
Ayon sa guard, magsisimula na siya sa kaniyang duty bandang 4:47 a.m. nang matagpuan niya ang bangkay ng babae na may butterfly tattoo sa likod at nasa mid-20s ang edad.
Sinabi ng mga awtoridad na maaaring itinapon ang bangkay ng babae sa lugar na iyon.
Ayon sa investigator on case, may closed-circuit television camera na naka-install sa naturang lugar ngunit hindi nito nakuhanan nang malinaw ang image dahil madilim pa. (Alexandria San Juan)