By RUEL J. MENDOZA
SOBRA-sobra ang pasasalamat ng former Miss Universe Philippines na si Maxine Medina dahil naging maganda ang experience niya habang sinu-shoot ang first movie niya na “Spirit of the Glass 2: The Haunted.”
Nagpapasalamat din ang former beauty queen sa mga naging teachers niya sa pinagdaanan niyang acting workshops.
Ang mga award-winning actors na sina Gina Alajar at Pen Medina ang nagbigay ng workshop kay Maxine at marami nga raw siyang natutunan sa mga ito.
“It’s a good feeling to know that you’ve worked with the best people.
“Ang dami ko pong natutunan sa acting workshop.
“Akala basta marunong kang lang umiyak, okey na.
“But there is more to acting pala. There are movements, there are little things na magagamit mo to make your character effective.
“I learned all that kaya naging maayos naman ang first shooting day ko with the movie.”
Naging madali kay Maxine ang unang movie niya dahil horror ito at matatakutin naman daw talaga siya.
“Naniniwala rin ako sa mga ghosts dahil parati akong nasa malaking house ng lola ko together with my cousins sa kay D. Tuazon in Manila.
“Dating cemetery iyon kaya alam mong may kung anong spirits ang umiikot sa house. Nakatulong iyon para sa pag-build ng character ko sa movie,” diin pa niya.
Pinaka-excited sa pagiging artista ni Maxine ay ang model-boyfriend niya for six years na si Marx Topacio.
Si Marx ang kumukuha ng pictures at videos niya para i-post sa social media account.
“Nakakatuwa kasi kahit na alam mong matagal ‘yung shooting, Marx is always there with me at siya ‘yung official photographer/videographer ko.
“Kaya documented ang first movie ko dahil sa sipag at tiyaga niya.
“Minsan nga nahihiya na ako sa kanya, kasi naghihintay talaga siya. Pero excited daw kasi siya for me and my first time to act sa isang movie.
“He’s very supportive and he really wants me to enjoy my showbiz career.”