By RUEL J. MENDOZA
DESISYON ng mag-asawang Chynna Ortaleza at Kean Cipriano na gawing small and simple lang ang wedding nila on Nov. 7.
“We decided to keep it small. Hindi naman kasi kami extravangant ni Kean. We want things to be practical and stress-free.
“Kung tutuusin nga, anti-wedding kami. Gusto namin na kaming dalawa lang with our daughter Stellar, our immediate families and a priest to bless us.
“Pero naisip din namin na we need to share this moment with other people very close to us.
“Parang ito ang pasasalamat namin sa kanila for supporting our union and for loving our daughter.
“Ang importante naman is that we all feel that moment.
“That we are surrounded by the people we love at ramdan din nila ‘yung blessing ng sacrament of matrimony sa amin ng mister ko,” kuwento pa ni Chynna.
Wala rin daw program na magaganap sa reception ng wedding nila.
Ayon kay Chynna: “Yun ang ikinagugulat ng wedding planner namin. Marami siyang pini-pitch sa amin na mga concepts, programs na uso ngayon sa mga wedding receptions.
“Pero sabi ko nga, hindi kami gano’n ni Kean. We want it simple, precise at wala ng hassles pa.
“Kaya ito ang easiest wedding na ginawa ng wedding planner namin.
“Tapos hands-on din ako sa ibang details which makes it more personal for me and for Kean.
“Kahit na small and simple lang itong wedding namin, I still want to be involved.”
Imbes na honeymoon daw ang maganap after ng wedding, isang “familymoon” daw dahil kasama na si Stellar.
“Pareho kami ni Kean na kailangan ng short break after everything.
“Si Kean kasi, he’s busy shooting like three movies. Tapos may mga gigs pa ang band niyang Callalily.
“Ako naman, after ‘Mulawin vs. Ravena’ hindi ako nagkaroon ng rest. Nag-taping ako agad for ‘Idol sa Kusina’ and ‘Ika-6 Na Utos.’
“Kaya sa familymoon namin, susulitin namin ang bakasyon before we all go back to work,” pagtapos pa ni Chynna Ortaleza.