KASAL na nga lang ang kulang sa relasyon nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Sa isang school event ng anak ni Jennylyn na si Alex Jazz ay ‘andu’n si Dennis bilang suporta sa mag-ina.
Mistulang tatay-tatayan ni AJ si Dennis. Kasama rin nila ang tatay ni Jen at ilang family members. Belong na talaga si Dennis sa pamilya ni Jen, kaya naman inaabangan kung kailan sila magpapakasal.
Sa mga interbyu kay Dennis, sinasabi niyang si Jen na talaga ang “the one” for him. Napag-uusapan na rin nila ang pagpapakasal, kaya abang-abang na lang. Hindi kaya naghihintay lang si Jen ng marriage proposal ni Dennis?
Ayaw patalbog
Kung pagde-design ng Hermes bags ang isa sa pinagkakaabalahan ni Heart Evangelista, pagde-design naman ng fashion accessories ng isang Filipino brand ang papasukin ni Marian Rivera.
Reaction ng mga taong nakausap namin, ayaw daw talaga magpatalbog ng “Super Ma’am” star kay Heart. Mukhang never-ending ang intriga kina Marian at Heart.
Deadma lang ang dalawa. Ani Marian, basta happy lang siya at walang puwang ang mga intriga sa kanya.
Samantala, happy si Marian sa magandang feedback sa “Super Ma’am.” Thankful siya na na-achieve ng show ang goal na mailapit ito sa mga bata, sa mga estudyante na marami ang napupulot na aral at magagandang values sa “Super Ma’am.”
Did we hear it right na extended ito hanggang January 2018?
Bipolar?
Kasama ang komedyanang si Beverly Salviejo sa “The Ghost Bride” na si Chito Roño ang direktor. Joke niya sa presscon, bipolar daw ito.
Nagkatrabaho na sila sa ilang projects, na kapag nagkakamali siya noon, matunog na “Ang tanga-tanga mo. Tanga!” ang malimit sinasabi ni direk Chito sa kanya.
Todo-puri naman ito kapag naitawid niya ang eksena. Pero nagbago na siya ngayon, ayon kay Beverly. Iba na raw ang paraan ni direk Chito ng motivation sa mga artista na hindi na sinabi ni Beverly kung ano ‘yun.
Ayon naman kay Kim Chiu na bida sa “The Ghost Bride,” bawal ma-late sa shooting. Or else! Masesermunan sila ni direk Chito. Paraan ‘yun ng pagdisiplina ni direk sa kanyang mga artista.
Showing on Nov. 1 ang “The Ghost Bride” na Halloween presentation ng Star Cinema.