By RUEL J. MENDOZA
ISANG dahilan daw kung bakit lumipat sa GMA-7 ang Kapamilya actor na si Jason Abalos ay dahil sa naging issue niya sa isang babaeng hina-harass daw niya sa Facebook noong nakaraang May 2017.
Dahil dito, hindi na siya binigyan ng projects ng ABS-CBN 2.
Ayon sa babae, pinipilit daw siya ni Jason na makipagkita sa kanya at pinost pa nito ang mga screenshots ng mga messages ng aktor sa kanya.
Underage daw ang girl at alam nito na may girlfriend si Jason kaya hindi raw ito papayag na may mangyari sa kanila ng aktor.
Pero depensa ni Jason, sila raw ang dapat magdemanda sa girl dahil sa mga paninirang ginawa sa kanya.
“Pinahanap namin ‘yung nag-post. Hindi naman talaga underage ‘yung babae.
“Tapos, kung tutuusin, puwede nga na kami ang magdemanda. Kaya lang, gusto namin talaga na huwag na lang pansinin,” diin pa niya.
Ilang beses na sinabi ni Jason na walang katotohanan na may hina-harass siya sa social media. Naghihintay nga raw na magsampa ang girl ng reklamo sa kanya.
“Ang gusto naman ng mga ‘yan talaga, mapansin sa social media, eh. After a day, nawala na ‘yung issue. Lahat ng post nila, tinanggal na rin nila.
“Naghihintay ako ng subpoena. Wala naman.
“Time will tell. Malalaman naman talaga ‘yun kung talagang nangyari.”
Nilinaw din ni Jason na sila pa rin ng girlfriend niyang si Vickie Rushton. Hindi raw totoo na naghiwalay sila dahil sa cheating issue niya.
“As much as possible, ayoko talagang masaktan si Vickie. Kahit naman sino sa atin, kung talagang mahal mo ‘yung tao, iiwasan mong masaktan.
“Ayaw kong makitang mahirapan ‘tong taong ‘to dahil lang sa mga ganitong issues na hindi naman totoo.
“Kung meron mang tao na hindi bibitaw, si Vickie ‘yun. Hindi ko nga alam kung ano ang nagawa ko sa buhay, kung ano ang pagkatao ko, para mahalin niya ako nang ganun, para panghawakan niya ako,” pagtapos pa ni Jason na magbibida sa rom-com series ng GMA-7 na “That One That Got Away.”